JobStreet, KodeGo nagsanib-puwersa para tugunan ang IT skills, jobs mismatch sa bansa

By Jan Escosio May 11, 2022 - 01:01 PM

Nakipagkasundo ang online tech bootcamp KodeGo sa isa sa mga nangungunang online employment marketplaces sa Asya, ang JobStreet Philippines.

Ang pagsasanib-puwersa ng dalawa ay para sa nagkaisang tugon sa isyu ng ‘skills mismatch’ sa pagitan mga IT jobseekers at mga kompaniya na nangangailangan ng mga empleado na may nalalaman sa information technology.

Magsisilbing daan ang recruitment platform para sa mga kompaniya sa pamamagitan na rin ng KodeGo for Web Development and Data Science.

“JobStreet has always been a titan in the recruitment and job placement space, so they are an ideal partner for KodeGo. Through this collaboration, we can give our bootcampers bright career opportunities and contribute to building a future digital nation,” sabi ni Glenn Estrella, Head of Portfolio Growth for 917Ventures.

Ang KodeGo ang pinakabagong ‘spinoff’ ng 917Ventures, ang itinuturing na pinakamalaking corporate venture builder sa bansa na pag-aari ng Globe.

“We at JobStreet remain committed to bringing new tools to help our local job seekers achieve their career goals. This partnership with KodeGo will bring us closer to our mission to give a job to every Filipino, which has been our focus since day one,” tugon naman ni Philip Gioca, country manager ng Jobstreet Philippines.

Tumutulong ang KodeGo sa mga estudyante na maabot ang kanilang ‘dream careers’ sa IT, bilang software engineers, web developers at data scientists.

Bukod dito, ang KodeGo ay nag-aalok din ng ‘Study Now, Pay Later’ bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na makatulong sa mga estudyante.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.