Mag-inang Las Piñas Mayor Imelda at Vice Mayor April Aguilar naiproklama na

By Jan Escosio May 11, 2022 - 12:07 PM

Naging pormal ang patuloy na paglilingkod ng mag-inang  Imelda at April Aguilar bilang alkalde at bise-alkalde ng lungsod ng Las Piñas.

Ganap na alas-10 ng umaga nang pormal na maiproklama sa Session Hall sa City Hall ng City Board of Canvassers ang mag-ina para sa kanilang panibagong termino.

Natapos ang canvassing ng mga balota ala-5 ng madaling araw at pinamunuan ito ni Atty. Edgar Feliciano Aringay, ang chairman ng Board of Canvassers kasama sina Atty. Marilyn Fatima Luang at Dr. Joel Torrecampo.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Aguilar ang mga sumuporta sa kanila upang sila ay muling mabigyan ng pagkakataon na makapagsilbi sa kanilang mga kalungsod.

Pagtitiyak pa nito, ang lahat ng mga ipapatupad nilang programa ay para sa ikakabuti pa ng husto ng Las Piñas at mga Las Piñero lalo sa magandang kinabukasan ng mga kabataan at magandang kalusugan ng lahat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.