Panawagan ng pagkakaisa dapat lamang pakinggan ng bawat Filipino – Sen. Bong Go

By Jan Escosio May 11, 2022 - 11:46 AM

 

Nanawagan si Senator Christopher Go sa lahat na pakinggan ang panawagan ng pagkakaisa ng mga kumandito sa nakalipas na halalan.

 

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga bagong mamumuno sa bansa na ipagpatuloy at paigtingin pa ang mga magagandang program ani Pangulong Duterte.

 

“Panahon na po ng pagkakaisa. Tapos na po ang halalan. Nagdesisyon na ang ating mga kababayan. Igalang po natin ang naging resulta dahil iyon naman ang nararapat, na sa demokrasya at sa ganitong pagpapasya ng taumbayan ay ang boses ng higit na nakararami ang dapat manaig,” sabi pa nito.

 

Panawagan din nito na isantabi na ang mga pagkakaiba ng mga kandidatong sinuportahan.

 

“Magsama-sama na tayo dahil ang ikakabuti ng ating bansa ay nasa mga kamay nating lahat at hindi lamang sa mga inihalal natin,” dagdag pa ng senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.