‘Beauty Pioneer’ Fanny Serrano sumakabilang buhay na

By Jan Escosio May 11, 2022 - 10:57 AM

 

.

Namayapa na ang kilalang make-up artist na si Fanny Serrano, sa edad na 72.

Agad naman bumuhos sa social media ang mga mensahe ng pakikiramay at pagkilala kay Serrano, na kilala bilang ‘Tita Fanny’ at ‘Beauty Pioneer.’

Lumutang ang husay sa pagme-make up ni Serrano dahil sa mga ‘alaga’ o ‘suki’ niya na mga artista, tulad nina Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Cherie Gil at Celia Rodriguez

Nagmamay-ari din siya ng mga beauty salon, isang fashion designer at natampok din sa ilang mga pelikula at serye sa telebisyon.

Noong Marso 2021, napa-ulat na na-stroke si Serrano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.