Mayor Belmonte, ipinag-utos ang massive clean-up drive sa QC

By Chona Yu May 10, 2022 - 05:59 PM
Photo credit: Quezon City government/Facebook

Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Department of Sanitation and Cleanup Works na magsagawa ng massive clean-up drive aa lungsod.

Ipinasasama ni Belmonte sa paglilinis anh mga presinto na ginamit sa katatapos na eleksyon.

Bilang tugon, sinabi ni DSQC OIC Richard Santuile na makipag-ugnayan sa barangay leaders para sa cleanup operations.

“This is meant to ensure that election paraphernalia will be disposed of properly and not clog the city’s waterways. Kailangan nating masiguro na mabilis at maingat nating maililigpit ang mga campaign paraphernalia at hindi maging sanhi ng anumang problema sa ating lungsod,” pahayag ni Belmonte.

Hinihikayat ni Belmonte ang local at national candidates na boluntaryong tumulong sa paglilinis.

TAGS: InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.