Bilang ng nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 6.27 milyon

By Angellic Jordan May 10, 2022 - 02:10 PM

AFP photo

Lagpas 6.27 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,278,172 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Naitala ang pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 sa Estados Unidos na may 1,024,752.

Sumunod na rito ang Brazil na may 664,248 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 524,103 naman ang death toll sa India habang 377,049 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 324,465
– Peru – 212,957
– United Kingdom – 176,424
– Italy – 164,573
– Indonesia – 156,396
– France – 146,856
– Iran – 141,189

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 517,796,628 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 472,708,393 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.