Mariel Rodriguez sa pangunguna ni Padilla sa senatorial race: “We are beyond grateful”

Photo credit: @marieltpadilla/Instagram

Lubos ang pasasalamat ng actress/host na si Mariel Rodriguez kasunod ng pangunguna ng kaniyang asawa at aktor na si Robin Padilla sa senatorial race ng 2022 National and Local Elections.

“My Senator 💚 is #1 😭😭😭 we are beyond grateful!!! Pilipinas, maraming maraming salamat,” saad ni Mariel sa kaniyang Instagram post.

Base sa partial at unofficial tally ng Commission on Elections (Comelec) transparency server hanggang 11:47, Martes ng umaga (Mayo 10), nakakuha si Padilla ng 26,174,783 na boto.

Simula nang buksan ang pagbibilang ng mga boto, hindi naalis sa top 1 spot si Padilla sa senatorial race.

Sumunod kay Padilla si Antique Rep. Loren Legarda na may 23,780,384 votes, Raffy Tulfo na may 22,983,402 votes, Sen. Sherwin Gatchalian na may 20,212,831 votes, habang pang-lima naman si Sorsogon Governor Chiz Escudero na may 19,890,922 votes.

Read more...