Presyo ng langis, tumaas ngayong araw

Oil PriceMagpapatupad ng malakihang dagdag sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, May 24, 2016.

Una nang nagpatupad kaninang 12:01 ng hatinggabi ang Flying V kung saan P1.20 ang dagdag sa kada litro ng kanilang gasolina habang P1.00 sa kada litro ng diesel.

Parehong presyo rin ang idinagdag sa presyo ng gasolina at gasolina ng Phoenix, PTT, Eastern, Shell, Seaoil at Petron epektibo alas-6:00 ng umaga.

Samantala, magta-taas rin ng P1.25 ang halaga ng kada litro ng kerosene ng Flying V, Shell, SeaOil at Petron. / Kathleen Betina Aenlle

 

Read more...