Tataas ang singil sa toll fee sa North Luzon Expressway simula sa Mayo, 12, 2022.
Sa pahayag ng NLEX Corporation, inaprubahan ng Toll regulatory Board ang hirit ng kompanya na magtaas ng singil ng P2.00 sa open system at P0.34 sa kada kilometro sa closed system.
Sa ilalim ng bagong toll rates, ang mga motorist na dadaan sa open system ay magbabayad ng dagdag na P2.00 para sa Class 1 (kotse at mmga SUVs) na sasakyan, P6.00 sa Class 2 na sasakyan (buses at mga maliliit na trucks) at P8.00 sa Class 3 na sasakyan.
Ang open system ay mula Balintawak sa Caloocan hanggang sa Marilao sa Bulacan habang ang closed system naman ay sakop ang Bocaue sa Bulacan at Sta. Inis sa Mabalacat Pampanga kasama na ang Subic-Tipo.
Para naman sa mga motorist na bibiyahe ng NLEX na end-to-end sa Metro Manila at Mabalacat ay magdadagda ng P27.00 sa Class 1, P69.00 sa Class 2 at P82.00 sa Class 3 na sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.