Pagkatalo sa VP race tanggap na ni SP Tito Sotto III

Nagbaba ng hatol ang taumbayan at tanggap na ito ni Senate President Vicente Sotto III.

Base sa unofficial and partial results  pangatlo lang si Sotto sa mga vice presidential race sa nakuha niyang  mahigit walong milyong boto.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Sotto na tinatanggap niya ang desisyon ng taumbayan.

Aniya, ang inalok nila ni Sen. Panfilo Lacson ay maayos na sistema ng gobyerno ngunit iba ang gusto ng mas nakakaraming Filipino.

Iginiit ni Sotto na mas mahalaga sa kanila ang word of honor at loyalty kaysa sa pagkapanalo sa eleksyon.

Ikinatuwa naman nito na napanindigan nila ang kanilang paninindigan sa kabila ng mga political pressures.

Kasabay nito nagpadala na din siya ng mensahe ng pagbati sa mga nanalong pangulo at pangalawang pangulo.

Read more...