Embargo sa mga armas sa Vietnam, inalis na ni US Pres. Obama

By Kathleen Betina Aenlle May 24, 2016 - 06:04 AM

Matapos ang kalahating siglo, tinanggal na ni US President Barack Obama ang ban sa pagbebenta ng mga armas sa Vietnam.

Inanunsyo ito ni Obama sa isang news conference kung saan ipinangako niya rin ang pag-iwan ng hindi magandang kasaysayan ng US at Vietnam sa nakaraan.

Nakabuo na aniya ng tiwala sa isa’t isa ang magkabilang panig pati na ang kanilang mga militar, at ngayong wala nang embargo, ibig sabihin ay may access na ang Vietnam sa anumang gamit na kakailanganin nila upang madepensahan ang kanilang sarili.

Iginiit naman ni Obama na ang hakbang na ito ay walang kinalaman sa China, gayunman, nilinaw niya na suportado ng US ang maliliit na bansa tulad na lamang ng Vietnam.

Ito ay sa gitna ng inaasahang pag-puna na naman ng China sa pag-kampi ng US sa mga kaagaw nito sa teritoryo sa South China Sea tulad ng Vietnam at Pilipinas./ Kathleen Betina Aenlle

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.