Hindi nagpapatinag si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.sa pangunguna sa katatapos na presidential elections.
Base sa 9:00 am partial at unofficial na tally, nakakuha si Marcos ng 30,622,302 na boto kumpara sa kalabang si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 14,611,211 na boto.
Nasa ikatlong puwesto naman si Senador Manny Pacquiao na mayroong 3,541,623 na boto habang nasa ikaapat na puwesto si Manila Mayor Isko Moreno na may 1,861,818 na boto.
Patuloy pa ring nangunguna sa vice presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 31,003,239 na boto kontra sa mga kalabang sina Senador Francis Pangilinan na nakakuha ng 9,101,744 na boto at Senator Tito Sotto na nakakuha ng 8,100,944.
Sa pagkasenador, nangunguna si Robin Padilla, pangalawa sa Loren Legarda at pangatlo si Raffy Tulfo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.