Pasig City Mayor Vico Sotto nahalal muli na mayor

By Chona Yu May 10, 2022 - 09:21 AM
Photo credit: Mayor @VicoSotto/Twitter

Muling nahalal bilang mayor ng Pasig City si Vico Sotto.

Ito na ang ikalawang termino ni Sotto bilang mayor ng Pasig City.

Iprinoklama si Sotto ng City Board of Canvassers bilang nanalong mayor matapos makakuha ng 335,851 na boto kumpara sa kalabang si Iyo Bernardo na nakakuha lamang ng 45,604 na boto.

Mensahe ni Sotto sa mga kalaban, peace of mind.

Ipinapanalangin ni Sotto na magkaisa sila para mapagsilbihan ang mga taga-Pasig.

Samantala, nanalo namang vice mayor ng Pasig ang ka-tandem ni Sotto na si Dodot Jaworski kontra sa kalabang Junjun Concepcion at Christian Sia.

Nanala rin ang reelectionist na si Pasig City Representative Roman Romulo kontra kina Ricky Eusebio at Rex Maliuanag.

 

 

TAGS: Dodot Jaworski, news, Pasig City Mayor Vico Sotto, Radyo Inquirer, Dodot Jaworski, news, Pasig City Mayor Vico Sotto, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.