Uuwi na ako, pamilya ko naman! – Ping Lacson

By Jan Escosio May 10, 2022 - 08:53 AM

Para maiba naman, pamilya na ang pagsisilbihan ni Senator Panfilo Lacson, matapos nitong sabihin na uuwi na siya.

Sa kanyang tweet ngayon umaga, sinabi ni Lacson na matagal-tagal din siyang nawala sa kanilang bahay dahil sa pagsisilbi sa bayan at mamamayan.

“Im going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change,” ang bahagi ng tweet ni Lacson bago mag-ala-6 kaninang umaga.

Dagdag pa niya ang mamuhay ng tahimik at payapa ngayon  mapaghamong panahon ang maaring pinakamabuting sukli sa kanyang mga nagawa.

Kahapon matapos bumoto, nabanggit ni Lacson na sa naganap na eleksyon, dalawa lamang ang posibleng mangyari sa kanya, maluklok sa Malakanyang o umuwi sa kanyang pamilya.

TAGS: news, panfilo lacson, presidential election., Radyo Inquirer, news, panfilo lacson, presidential election., Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.