Abby Binay nakuha ang ikatlong termino sa Makati City

By Jan Escosio May 10, 2022 - 08:49 AM

Muling nagtagumpay si Makati City Mayor Abby Binay para sa kanyang ikatlo ang huling termino.

Iprinoklama din ang kanyang running mate, incumbent Vice Mayor Monique Lagdameo, gayundin ang kanyang mister si Luis Campos para manatiling kinatawan sa Kongreso ng ikalawang distrito ng lungsod.

Nabigyan din ng pangalawang termino si 1st District Rep. Kid Pena.

Sa Las Piñas City, nanalo din para sa kanyang huling termino si Mayor Imelda Aguilar, samantalang naiproklama na para magsilbi sa kanyang pangalawang termino ang kanyang anak na si April Aguilar.

Inaasahan na ang ngayon umaga ay opisyal na iproproklama ang mag-inang Aguilar.

Si dating Malabon City Vice Mayor Jeannie Sandoval naman ang nanalong bilang bagong mamumuno sa lungsod.

Matagumpay naman  ang pagpapalit ng puwesto ng magkapatid na House Deputy Speaker Wes Gatchalian at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian matapos silang iproklama na nanalo sa eleksyon kahapon.

Nakuha naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kanyang pangalawang termino, gayundin ang kanyang running mate na si Warren Villa.

TAGS: Abby Binay, kid peña, local candidates, news, Radyo Inquirer, Abby Binay, kid peña, local candidates, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.