Mayor Francis Zamora, naiproklama na bilang alkalde ng San Juan

Screengrab from Mayor Francis Zamora’s Facebook video

Muling maglilingkod bilang alkalde ng Lungsod ng San Juan si Mayor Francis Zamora makaraang maiproklama ng Commission on Elections (Comelec) board of canvassers.

Nakuha ni Zamora ang kabuuang bilang ng 66,883 ng boto.

Malayo ang naging kalamangan ng alkalde sa katunggali na si Jun Usman na nakakuha lamang ng 9,413 votes.

Tumakbo si Zamora sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP–Laban).

Ito na ang ikalawang sunod na termino ni Zamora simula nang maupo bilang alkalde ng nasabing lungsod noong 2016.

Malaking bagay aniya ang suporta at pagtitiwala ng bawat residente sa San Juan.

“Bilang mayor, ako naman po ay nagtrabaho nang mabuti, lalo na nitong panahon ng COVID-19. Tayo po ang no. 1 sa [pagbabakuna] sa buong Pilipinas, gayundin naman po sa ayuda. Kung kaya’t ang sambayanan ng San Juan po ay ating inalagaan at minahal at pinaglingkuran nang maayos sa panahon ng pandemya,” ani Zamora.

Para sa kaniya, ito aniya ang pinakasukat sa magiging desisyon ng mga botante sa halalan.

“Hindi ko po kayo bibiguin,” pahayag pa ni Zamora sa mga residente ng lungsod.

Read more...