Sandro Marcos, inaasahan na ang pagkapanalo sa congressional race sa Ilocos Norte 1st District
Inaasahan na ni Ferdinand Alexander ‘Sandro’ Marcos ang kaniyang pagkapanalo sa congressional race sa unang distrito ng Ilocos Norte.
Base kasi sa partial, unofficial tally mula sa Comelec transparency server hanggang 11:32, Lunes ng gabi (Mayo 9), nakakuha si Marcos ng 102,424 na boto.
Mahigit 25,000 ang lamang nito sa katangguli na si Ria Fariñas na may 77,070 votes.
Nagpasalamat naman si Marcos sa mga suporta sa kaniyang kandidatura.
“Thank you to those in the 1st district who put their faith in me, I WON’T DISAPPOINT YOU! Looking forward to serving as your representative in Congress!,” saad nito sa Twitter.
Si Sandro ay anak ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.