Atty. Alex Lopez, nilinaw na hindi siya umurong sa mayoralty race sa Maynila

By Chona Yu May 09, 2022 - 06:05 PM

Photo credit: Atty. Alex Lopez/Facebook

Pinabulaan ni Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez ang kumakalat na balit ana nag-withdraw o umurong na siya sa pagkandidatong mayor.

Ayon kay Lopez, fake news ang naturang balita.

Katunayan, sinabi nito na tuloy ang laban hanggang sa dulo ng eleksyon.

Mariing kinondena ni Lopez ang mga nagpapakalat ng fake news.

Isa aniyang desperadong pamamaraan ng mga kalaban ang naturang taktika.

Panlilinlang aniya sa taong bayan ang ginagawa ng mga kalaban.

Wala kasi aniyang makitang butas ang mga kalaban kung kaya ginagawa na lamang ng mga pekeng balita.

Bumoto si Lopez sa Mariano Ponce Elementary School sa Sta. Cruz, Manila.

Kumpiyansa si Lopez na sa kabila ng negatibong kampanya ng mga kalaban, mananalo siya sa eleksyon.

TAGS: 2022elections, 2022polls, AlexLopez, InquirerNews, RadyoInquirerNews, 2022elections, 2022polls, AlexLopez, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.