Diesel, gasolina tataas ng P4.20/L simula sa Mayo 10

By Angellic Jordan May 09, 2022 - 05:58 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Matapos ang rollback noong nakaraang linggo, magpapatupad na ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Flying V, Petro Gazz, Petron, Pheonix Petroleum, Seaoil, Shell, at Unioil, kapwa P4.20 ang ipapatong sa kada litro ng diesel at gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P5.85 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Flying V, Petron, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Mayo 10).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Flying V, Petro Gazz, Petron, Pheonix Petroleum, Seaoil, Shell, at Unioil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceHike, OilPriceIncrease, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.