Duterte, payag ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani

May 24, 2016 - 04:20 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Pabor si presumptive President Rodrigo Duterte na mailagak ang mga labi si dating pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito aniya ay para mawakasan na ang isa sa mga ikinagagalit o “hatreds” sa bansa.

Sa pagharap niya sa media Lunes ng gabi, nilinaw niyang papayagan niya ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani hindi dahil isa itong bayani, kundi dahil dati itong sundalo.

Dagdag pa ni Duterte, ang isyu sa paglibing kay Marcos sa Libingan gn mga Bayani ay humati sa mga Pilipino, at sa tingin niya sa desisyon niyang ito ay mabubura na niya ang isa sa mga dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng marami.

Ayon pa kay Duterte, maaring ayusin agad ang pagpapalibing kay Marcos sa nasabing himlayan. / Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.