CGMA, tumanggi sa alok na pardon ni Duterte

May 24, 2016 - 04:13 AM

arroyo1Dahil naniniwala si presumptive president Rodrigo Duterte na walang matibay na kaso laban kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, inalok niya ito ng pardon oras na siya ay maging presidente ng bansa.

Gayunman, tumanggi si Arroyo sa alok ni Duterte.

Ayon kay Duterte, kinausap niya si Arroyo at sinabing inaalok niya ito hindi bilang kaibigan kundi dahil bilang prosecutor at abogado, naniniwala siyang walang matibay na kaso laban sa dating pangulo.

Katwiran ni Arroyo sa kaniya, para mapagkalooban ng pardon, kailangang umamin ng akusado sa kaniyang kasalanan ngunit giit ng dating pangulo, wala naman siyang kasalanan.

Naniniwala naman si Duterte na walang sala si Arroyo, kaya hinimok na lang niya ito na mag-apply na lang ng pardon kung gugustuhin niya dahil maraming iba pa ang nag-apply na.

Paliwanag pa ni Duterte, lahat na ng ibang nademanda kaugnay sa intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nakalaya na at si Arroyo na lamang ang hindi.

Naawa rin aniya siya kay Arroyo dahil napagkaitan ito ng mabilis at maayos na trial. / Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.