1,124 na bagong COVID-19 cases, napaulat sa Pilipinas sa nakalipas na linggo
Nakapagtala ng 1,124 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Mayo 9, 2022, base ito sa naitalang datos simula Mayo 2 hanggang 8, 2022.
Mas mababa ito ng 20 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong April 25 hanggang Mayo 1.
Nasa 161 naman ang daily average cases.
Samantala, may 14 na bagong severe and critical cases habang 42 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 15.4 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,664 sa 23,818 non-ICU beds ang gamit.
16.8 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 474 sa 2,817 ICU beds ang gamit.
Nasa 611 naman ang severe and critical admissions, o 11.9 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.