Ayon kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro nakipagugnayan sila sa call center na IBEX Global Solutions para sa senior high school help desk.
Aniya ang lahat ng may tanong ukol sa senior high school program, partikular na ang mga curriculum at discount vouchers ay maaring tumawag sa numerong 667-11-88.
Nabatid na ang linya ay bukas mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, at tatagal ito hanggang sa katapusan ng buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Luistro na layon nito na magkaroon ng maayos na muling pagsi-simula ng mga klase sa mga pampubliko at pribadong paaralan. / Jan Escosio
Excerpt: