Rainfall at thunderstorm Warning, itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at ilang probinsya

May 23, 2016 - 11:44 PM

rainfall-englishNaglabas ng Heavy Rainfall Warning ang PAGASA, alas-11 ng gabi ng Lunes para sa ilang bahagi ng Luzon.

Itinaas na ang Yellow Warning sa Zambales at Bataan. Ibig sabihin ay aasahan ang malakas na ulan sa loob ng isa hanggang dalawang oras na posibleng magdulot ng pag-baha lalo na sa mga mababang lugar.

Inaasahan ring tatagal ng dalawang oras ang malakas na ulan na nararanasan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Quezon province.

Sa mga lalawigan naman ng Bulacan at Rizal, asahan ang thunderstorms sa susunod na dalawang oras.

Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahang mararanasan sa Pampanga at Tarlac sa susunod na dalawang oras.

Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente at ang disaster risk reduction and management council, at inabisuhang manatiling naka-antabay sa mga susunod pang advisory ng ahensya. / Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.