PNP, nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga hinihinalang insidente ng vote-buying

PNP photo

Nagsasagawa na ang Philippine National Police (PNP) ng imbestigasyon ukol sa mga hinihinalang insidente ng vote-buying sa 2022 National and Local Elections.

Sa isang press conference, sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na mayroong naiulat na hinihinalang kaso ng vote-buying sa ilang lalawigan sa bansa.

Masusi aniyang sinisiyasat ang mga ulat upang makapaghain ng reklamo ng mga awtoridad laban sa mga suspek.

Hanggang Mayo 7, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nag-iimbestiga ng 10 kaso ng umano’y vote-buying.

Naipadala ang mga ulat sa kanilang opisyal na email address at Facebook page.

Read more...