Nakaboto na si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Pasado 10:00, Lunes ng umaga, nang dumating si Belmonte sa Christ The King Seminary Covered court sa E. Rodriguez Quezon City.
Nakarehistro si Belmonte sa clustered precint -1143.
Makaraan ang 10 hanggang 15 minuto nang pagboto, dumating naman si dating Speaker Sonny Belmonte para bumoto rin.
Mas mabilis ang pagboto ni Speaker Belmonte dahil siya ay isang senior citizen.
Makaraang makaboto ni Speaker Belmonte ay nauna pa itong umalis ng polling center kaysa kay Mayor Belmonte.
Sa panayam ng media kay Mayor Belmonte, sinabi nitong nagampanan na niya ang napakahalagang tungkulin bilang Pilipino.
“Sa ating pagpili ng nararapat mamuno, isipin at suriin nating mabuti kung sino ang iboboto. Hinihiling ko sa ating QCitizens na makiisa tayong lahat para maisakatuparan ang maayos, malinis, at tapat na halalan na malayo sa kahit na anong uri ng pandaraya at pagmamanipula ng mga boto. Nasa inyong mga kamay ang kapalaran ng Lungsod Quezon at ng bayan, ”pahayag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.