Naging maayos ang pagbubukas ng 2022 national and local elections.
Sa pulong balitaan sa command center ng comelec sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, sinabi n Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na batay sa mga report na nakarating sa kanila bago pa sumapit ang 6:00, Lunes ng umaga, dagsa na ang mga botante sa mga presinto.
Maging sa mga lugar na binabantayan ng Comelec gaya ng Marawi, Sulu, Basilan, at Tawi Tawi, naging maayos ang pagbubukas ng halalan.
Maliban sa Maguing sa Lanao del Sur na. ayon kay Laudiangco, may isang presinto ang nagkapalit ng balota.
Pero wala naman aniyang problema dahil magkalapit lang ang mga ito kaya agad rin namang naayos.
Sa mga oras na ito, posibleng naayos na rin ito at, ayon kay Laudiangco, posibleng nakaboto na ang ilang botante.
Sa bahagi ng Cotabato City ay mga pulis ang magsisilbing special electoral board sa 175 clustered precincts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.