Ibinahagi ni Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno ang leksyong natutunan sa tatlong buwang kampanya para sa 2022 National and Local Elections.
Sa panayam ng mga mamamahayag matapos bumoto sa Magat Salamat Elementary School, sinabi ni Moreno na naawa siya sa mga Pilipinong nasa probinsya.
“Naawa ako sa mga kababayan nating Pilipino sa probinsya. That’s the reality. Nakita nating napagkaitan ng progreso ‘yung mga kababayan natin. Sad to say, but it’s true,” saad ng Manila mayor.
Kakaunti aniya ang nakararating na proyekto sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
Narito ang pahayag ng alkalde:
WATCH: Napagtanto ni @IskoMoreno sa 3 buwang kampanya: “Naawa ako sa mga kababayan natin sa probinsya. Nakita nating napagkaitan ng progreso ang mga kababayan natin. Sad to say but it’s true.” | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/rJXYqWK1IJ— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 9, 2022