WATCH: Botohan para sa 2022 elections, nagsimula na
Nagsimula na ang botohan para sa 2022 National and Local Elections.
Ito ang unang botohan sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinangunahan ni Commission on Elections (Comelec) chairman Saidamen Pangarungan sa pormal na pagbubukas ng botohan sa Andres Bonifacio Elementary School sa Pasay City, Lunes ng umaga, Mayo 9.
Ilang minuto sumapit ang 6:00 ng umaga, dumating si Pangarungan sa nasabing polling precinct.
Agad nag-inspeksyon si Pangarungan sa gagamiting vote counting machine.
WATCH: Comelec chairman Saidamen Pangarungan, inispeksyon ang gagamiting vote counting machine sa Andres Bonifacio Elementary School sa Pasay City | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/uCU3fiywK6
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 8, 2022
Sa video na kuha ni Chona Yu ng Radyo Inquirer, makikita na maagang pumila ang ilang residente.
WATCH: Ilang botante, maagang pumila sa Andres Bonifacio Elementary School sa Pasay City para sa makaboto | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/NX3rCzWEIC
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 8, 2022
Sa panayam kay Mary Sapico, sinabi nito na mayroon pa siyang trabaho kaya maaga siyang pumila sa polling precinct para makaboto.
Sinaksihan din ni Pangarungan ang naganap na unang pagboto sa nasabing polling precinct.
WATCH: Unang botante na nagbigay ng kaniyang boto sa Andres Bonifacio Elementary School. Sinaksihan ito mismo ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line#VotePH #OurVoteOurFuture pic.twitter.com/7Z6C1N0fhD
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 8, 2022
Tatagal ang oras ng botohan hanggang 7:00, Lunes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.