Disqualification case laban kay Almarinez, umarangkada na

Nagbaba na ng patawag (summon) ang First Division ng Commission on Elections (Comelec) bilang pangunahing hakbang sa pag-arangkada ng Disqualification (DQ) case ni Dave Almarinez. Ang naturang patawag (summon) ay para sa Preliminary Conference (PC)  (pangunahing paghaharap) ng nagsampa ng kaso na si Dave Aldave at ng akusado na si Dave Almarinez sa harap ng Comelec Commissioner na siyang may hawak ng kaso para pag-usapan ang mga kailangang dokumento at iba pa para ilakip sa kani-kanilang memorandum na dapat isumite sa pagitan ng tatlong araw pagkatapos ng naturang PC na gaganapin sa Mayo 13, 2022.  Kung si Almarinez ay hindi dumating sa naturang patawag ay dedesisyunan na agad ang reklamo ayon sa akusasyon ng complainant at tuluyang ibababa ang hatol pabor kay Aldave. Kapag ang desisyon ng kaso ay pumabor kay Aldave, kahit manalo si Almarinez ay hindi siya pauupuin bilang Kongresista –at ang uupo ay ang katunggali na may pangalawang mataas na boto. Si Almarinez ay kinasuhan ng DQ ni Aldave dahil sa umano’y pangangampanya noong Huwebes Santo malapit sa Simbahan ng Santo Sepulcro sa Brgy. Landayan, San Pedro City na isang seryosong paglabag sa Omnibus Election Code of the Philippines. Kasama sa naturang demanda ay ang kasong vote-buying dahil sa bawal na pamimigay ng bottled water na may tatak “Almarinez” sa lugar habang ilegal na nangangampanya si Almarinez at ang kanyang asawa na si Ara Mina. Ang naturang summon ay pirmado ni Atty. Genesis M. Gatdula, Clerk of the Commission, Comelec na may petsa na Mayo 2, 2022.

Read more...