Higit 1.9-M pasahero, nakapag-avail ng libreng QCity bus ride
Nakapaghatid ang Quezon City Bus Augmentation Program ng libreng sakay sa humigit-kumulang 1.9 milyong pasahero sa lungsod simula Enero hanggang Abril 2022.
Tuloy pa rin ang biyahe sa walong QCity Bus routes simula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi, maliban tuwing holiday.
Narito ang mga sumusunod na ruta:
Route 1: Quezon City Hall patungong Cubao at pabalik;
Route 2: Quezon City Hall patungong IBP/Litex Road at pabalik;
Route 3: Welcome Rotonda patungong Aurora Blvd./Katipunan at pabalik;
Route 4: Quezon City Hall patungong General Luis at pabalik;
Route 5: Quezon City Hall patungong Mindanao Avenue via Visayas Avenue at pabalik;
Route 6: Quezon City Hall patungong Gilmore at pabalik;
Route 7: Quezon City Hall patungong Ortigas Avenue Extension at pabalik;
Route 8: Quezon City Hall patungong Muñoz at pabalik
Matatandaang pinangunahan ng Quezon City government ang QCity Bus noon pang 2020 upang matugunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon bunsod ng itinakdang community quarantine restrictions ng gobyerno.
Base sa datos, umabot na sa mahigit anim na milyong pasahero ang naserbisyuhan ng naturang programa sa Quezon City simula ang pormal na paglulunsad nito noong December 07, 2020.
“Makakaasa po ang ating QCitizens na tuloy-tuloy ang mga programa natin, tulad ng QCity Bus, na isinadya upang makatulong sa mga taga-QC, sa pamamagitan ng pagbigay ng libreng sakay sa ating mga mamamayan,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.
Dagdag ng alkalde, “Isa po sa prayoridad ng inyong Pamahalaan Lungsod ang makapagbigay ng libre, ligtas, at maayos na pampublikong transportasyon. Patunay lamang ito na ang buwis ng taumbayan ay ibinabalik din natin sa mga mamamayan ng ating mahal na Lungsod.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.