Atty. Jem Sy, una sa Marilao mayoralty race survey

Malakas ang posisyon ni mayoralty candidate, Attorney Jem Sy, sa bayan ng Marilao sa Bulacan.

Base sa non-commissioned survey ng Hypothesis Philippines, 54 porsiyento ng 10,000 respondents ang pumili kay Sy, samantalang 41 porsiyento naman ang nakuha ni incumbent Mayor Ricardo ‘RS’ Silvestre.

Samantala, sa magkakalaban sa vice mayoralty position, nanguna pa rin si incumbent Vice Mayor Henry Lutao na nakakuha ng 45 porsiyento, dikit naman sa kanya si Irma Celones (38%) at Jessa Mahilac (12%).

May margin of error na +/- 2.5 percent ang survey, na isinagawa noong huling linggo ng nakaraang buwan.

Read more...