San Pedro City Coun. Aaron Cataquiz suportado ng ‘magkalabang’ pamilya

May 07, 2022 - 10:07 PM

Sa magkahiwalay na dalawang miting de avance sa lungsod ng San Pedro sa Laguna inendorso si mayoralty candidate Aaron Cataquiz.

Sa miting de avance ni dating Philippine International Trading Corp. President at congressional candidate Dave Almarinez, sinabi nito na ang kanyang sinusuportahan na kandidato sa pagka-alkalde ng lungsod ay si Coun. Cataquiz.

Si Cataquiz ay anak ni incumbent Mayor Lourdes Cataquiz, na isa sa mga ninang sa kasal nina Almarinez at aktres na si Ara Mina.

Samantala sa miting de avance ni Cataquiz, dumalo zi Zak Matibag, na kandidato sa pagka-bokal (provincial board member).

Si Matibag ay pamangkin ni PDP Laban Secretary General at Cabinet Secretary Melvin Matibag, na ang maybahay na si Ann ay kandidato din sa pagka-kongresista ng lungsod.

Sa kanyang mensahe sinabi ng nakakabatang Matibag na si Cataquiz ang sinusuportahan ng kanilang pamilya, na pinatotohanan ni Iryne Vierneza, na kandidato sa pagka-konsehal.

Dinaluhan ng tinatayang 8,000 ang miting de avance ni Cataquiz sa town plaza kagabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.