Sa kahuli-hulihang campaign rally para sa 2022 national election, ‘no show’ pa rin si dating Vice President at senatorial bet Jejomar Binay kahit pa man sa Leni Robredo – Kiko Pangilinan miting de avance kung saan nasa 800,000 supporters ang dumalo na ginanap sa sarili nitong balwarte sa Makati City.
Ipinaliwanag ng isang political analyst na mahalaga ang pagdalo sa mga campaign rally lalo na sa miting de avance dahil ito na ang pag-consolidate sa buong kampanya ng isang kandidato.
“Maliban na lamang kung may seguridad na ang isang kandidato na mananalo sya ay importante talaga na dumalo ang mga kandidato sa miting de avance ang logic kasi dyan ay pagpapakita kung ano ang stand mo at prinsipyo,” pahayag ni political analyst Mon Casiple.
Kasunud ng hindi pagsipot ni Binay sa Makati rally, kung saan isa siya sa guest candidate ng Leni-Kiko tandem senatorial slate, nag-trending sa social media at sa tiktok ang #NasaansiJojoBinay.
Inasahan ng marami na magpapakita si Binay bilang balwarte nito ang lugar na pinagdadausan ng miting de avance at sa harap na rin ng alegasyon laban sa kanya na “unfit” itong maging senador.
Isang manifestation ang inihain kamakailan sa Commisison on Elections (Comelec) na kinukuwestiyon ang mental capability ni Binay matapos lumabas ang balitang nakakararanas ito ng early signs ng dementia sa edad na 79-anyos.
Sinabi ni Ex-OWWA Deputy Administrator Mocha Uson na ang hindi pagdalo ni Binay sa mga rally at hindi aktibong pangangampanya ay dulot na rin ng kanyang sakit, hinamon nito ang dating Pangalawang Pangulo na huwag onsehin ang taumbayan at ilantad ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.
Ang dementia ay isang progressive disease na sa una hindi pansin ang sintomas na memory loss at pagiging makakalimutin subalit habang tumatagal ay lumalala ang ganitong kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.