Ilang parte ng bansa, maaring makaranas ng mahihinang pag-ulan dulot ng Easterlies

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na umiiral ang Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Patrick Del Mundo, asahan ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa.

Ngunit, hindi aniya inaalis ang posibilidad na makaranas ng mga localized thunderstorm sa hapon o gabi.

Samantala, sinabi ni Del Mundo na maaring magpaulan sa parte ng Batanes ang Frontal system sa Taiwan area.

Nakakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Silangang parte ng Mindanao.

Ani Del Mundo, walang inaasahang bagyo o low pressure area na mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang oras.

Read more...