Dutch national wanted dahil sa pagtutulak ng cocaine at ecstasy

By Chona Yu May 23, 2016 - 04:38 PM

Ecstasy NBI
Inquirer file photo

Sinampahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamo ang dayuhang naaresto sa anti-illegal drugs operation kamakailan kung saan nakumpiska sa suspect ang P15 Million na halaga ng ecstasy.

Si Martin De Fong na isang Dutch national ay iniharap ng NBI sa media pati na ang mahigit limang libong tableta ng blue at pink cookie monster ecstasy na nakumpiska mula sa kanya.

Reklamong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act ang inihain laban kay De Fong sa Makati City Prosecutor’s Office.

Si De Fong na diumano’y supplier ng ecstasy sa isang bar sa Makati City ay naaresto sa isinagawang entrapment operation noong nakalipas na linggo.

Nang arestuhin ay hindi naman nanlaban si De Fong at nagboluntaryo pang magbibigay ng impormasyon tungkol sa isa pang Dutch national na si Cornelius Merkars na umano’y major supplier ng ecstasy at cocaine sa Metro Manila.

Ayon umano kay De Fong, si Merkars ay nawawala dalawang buwan na ang nakakaraan kasunod ng ulat tungkol sa umano’y pagkakadukot sa kanya sa Angeles City sa Pampanga.

Tinukoy pa ng NBI-Anti Illegal Drugs Unit na kusa ring isinuko ni De Fong ang nalalabi pang suplay ng ecstasy na nasa kanyang tirahan sa Bel-Air Village sa Sojo, Makati City.

TAGS: cocaine, de fong, ecstasy, merskar, cocaine, de fong, ecstasy, merskar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.