Sa reklamong natanggap ng grupo ng ‘Alagaan natin Kalikasan’ President Jun Evangelista, masyadong pasakit ang hakbang ng LTO dahil sa halip na P350 lamang ang babayaran sa Private Emission Testing Center (PETC), hindi umano ito tatanggapin ng LTO at kanilang ituturo na magparehistro sa Private Motoring Vehicle inspection Center (PMVIC) na kung saan aabot sa P600 hanggang P800 ang babayaran ng magpaparehistro, samantalang parehas lamang naman ang proseso na gagawin.
Tanong tuloy ni ANI Kalikasan President Evangelista, “Sa magkano ang dahil at inoobliga nila na papuntahin sa PMVIC ang mga magpaparehistro ng sasakyan?”
Sa text message, sinagot ni Capas Tarlac LTO Chief Amalia Siguia ang tanong na ito ng mga motorista. Aniya, baka recommendation ng kanilang inspector for roadworthiness, kasi sa PMVIC aniya mas makikita nang buo ang sasakyan, kung ikukumpara sa office nila sa LTO dahil visual lang or sisilipin lang ang buong sasakyan.
Pero sa memorandum na inilabas ni Department of Transportation (DOTR) Undersecretary Artemio Tuazon, nakasaad dito na tanging visual or sisilipin lang ang sasakyan ang gagawin ng LTO, walang kautusan ang kagawaran na i-reject ang mga sasakyan kung galing sa PETC at obligahin ang may-ari ng sasakyan na magpunta sa PMVIC.
Ang PETC at PMVIC ay parehas lang ang proseso ng pag-renew ng mga sasakyan dadaan sa emission at i-check ang sasakyan kung talagang roadworthiness ito, ngunit dahil sa mas mahal ang singil ng PMVIC na emission lang din ang ginawa.
Ayon sa Republic Act (RA 8749), private emission testing lang ang mandatory bago magparehistro ang mga sasakyan. Kung magsasagawa man ng emission test ang mga PMVIC, ilegal ito at lumalabas na nilabag ang DOTr Department Order 2016-020 na nagsasabing may moratorium na ang pagtatayo ng emission center.