PNP dumistansiya sa pagbibigay seguridad sa mga concert venue

By Ruel Perez May 23, 2016 - 04:23 PM

wilben-mayor (1)
Inquirer file photo

Hindi umano maaaring panghimasukan ng Philippine National Police (PNP) ang usaping kaugnay sa seguridad sa loob ng venue ng isang konsiyerto.

Ito ang naging pahayag ngayon ng pamunuan ng PNP sa harap ng di pa rin malinaw na dahilan ng naging pagkamatay ng limang nanood sa isang ng music festival sa Mall of Asia Arena (MOA).

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, wala sa kanilang hurisdiksiyon ang pagdedeploy ng kanilang mga tauhan at may sarili umanong arrangement dito ang event organizer kung pag-uusapan ay security measures.

Ani Mayor ang focus lamang nila ay ang matiyak ang peace and order sa perimeter o labas ng concert venue pero kung ang pag- uusapan ay loob ng konsiyerto ay may sarili na aniyang event security ang mga organizers hinggil dito.

Magugunitang sa naganap na Close-up Forever Summer Party sa loob ng MOA ay magkakasunod na nag-collapsed ang ilang partygoers kung saan ay lima ang namatay sa kanila.

Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad ang naging dahilan ng kamatayan ng mga biktima.

TAGS: close-up forever summer, MOA, Pasay City, close-up forever summer, MOA, Pasay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.