Incoming PSG Commander nagulat sa kanyang bagong assignment

Abu Sayyaf 1
Inquirer file photo

Hindi umano inakala ni Joint Task Group Basilan Commander Col. Rolando Bautista na siya ang mapipisil ni incoming President Rodrigo Duterte para mamuno sa Presidential Security Group (PSG).

Ayon kay Bautista sa kasalukuyan ay abala siya sa on-going military operations ng militar laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa lalawigan ng Basilan.

Ani Bautista, isang malaking karangalan para sa kanya para magsilbi sa susunod na pangulo ng bansa.

Si Bautista ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1985 at isang kilalang combat officer.

Bukod sa pagiging task group commander, si Bautista rin ang kasalukuyang 104th Brigade Commander na naka- base sa Barangay Tabiawan, Isabela City, Basilan.

Sa kasalukuyan ay nagdagdag na rin ng mga tauhan ng Philippine National Police na nagbabantay sa seguridad ni Duterte habang hindi pa siya nanunumpa bilang bagong lider ng bansa.

Read more...