Publiko, binalaan ng Cebu Pacific sa pekeng sales agents

By Jan Escosio May 06, 2022 - 07:55 PM

Nagpalabas ng babala sa publiko ang Cebu Pacific sa mga nagpapakilala na kanilang official sales agents.

Sa inilabas na pahayag ng Cebu Pacific, ang pekeng sales agents ay nanghihingi ng bayad sa ticket sa eroplano sa pamamagitan ng individual accounts at hindi sa official account ng kompaniya.

“We would like to clarify that they are not authorized by or connected with CEB. We encourage the public to remain vigilant and be careful to book their flights through the official Cebu Pacific Air website,” ayon pa sa Cebu Pacific.

Dagdag pa nito, maaring kanselahin ng CEB ang flight bookings na dumaan sa mga hindi awtorisadong transaksyon.

Bilin nila, ang official seat sales at promos ng Cebu Pacific ay maaring makita sa kanilang official social media pages at website.

TAGS: BUsiness, CebAdvisory, cebupacific, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BUsiness, CebAdvisory, cebupacific, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.