San Miguel Corp. nagbigay ng eroplano sa Philippine Air Force
Tinanggap na ng Philippine Air Force (PAF) mula sa San Miguel Corporation ang isang Beechcraft Corporation Hawker 800XP aircraft sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Ang eroplano ay tinanggap ni Defense Sec. Delfin Lorenzana mula kay SMC Chief Executive Officer Ramon Ang.
Nabatid na binili ng SMC ang eroplano noong 2002.
Gagamitin ng PAF ang Hawker 800XP bilang command and control aircraft at alternative system sa kanilang G280 na binili noong 2020.
Gagamitin naman ng PAF 250th Presidential Airlift Wing ang donasyong eroplano.
Nasaksihan nina AFP Chief of Staff Gen. Andres Centeno at PAF Commanding General Connor Canlas Sr., ang turn-over ng nabanggit na eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.