Allowances, iba pang benepisyo ng healthcare workers garantisado na – Sen. Sonny Angara

Tiyak nang makakatanggap ang lahat ng healthcare workers ng allowances at iba pang mga benepisyo sa tuwing iiral ang state of public health emergency sa bansa.

Ito ang sinabi ni Sen. Sonny Angara matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act.

Ayon kay Angara, pagpapakita ng pagpapahalaga ng gobyerno sa healthcare workers ang naturang batas.

“This law will remove all the obstacles to the grant of the emergency allowances and benefits for HCWs just like what happened last year when the Bayanihan laws expired,” aniya.

Dagdag pa nito, “ We should take care of our health workers just as they tirelessly take care of us whenever we require medical attention.”

Paglilinaw lang din ni Angara, ang karagdagang allowances at benepisyo ay bukod pa sa mga natatanggap ng healthcare workers alinsunod sa mga batas.

Read more...