Ilang istasyon ng Petro Gazz, may alok na P2/L na diskwento sa oil products sa May 9

Photo credit: Petro Gazz/Facebook

May alok na diskwento ang ilang istasyon ng Petro Gazz sa kanilang mga produktong petrolyo sa mismong araw ng eleksyon sa Lunes, Mayo 9.

Ayon sa oil company, aabot sa P2 kada litro ang discount sa lahat ng kanilang oil products.

Kabilang dito sa mga sumusunod:
– Petro Gazz Mindanao Avenue, Quezon City
– Petro Gazz Barangka, Mandaluyong
– Petro Gazz Moonwalk, Parañaque
– Petro Gazz Llano, Caloocan
– Petro Gazz Fortune, Valenzuela
– Petro Gazz Mayamot, Antipolo
– Petro Gazz San Sebastian, Batangas
– Petro Gazz Basud, Camarines Norte
– Petro Gazz Poro, La Union
– Petro Gazz Valladolid, Negros
– Petro Gazz Valladolid Crossing, Negros
– Petro Gazz Kabankalan 2, Negros
– Petro Gazz Bulua, Cagayan de Oro
– Petro Gazz Calumpang, General Santos

Epektibo ang discount promo simula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng mga botante ang kanilang index finger o hintuturo na mayroong indelible ink.

Read more...