“Great Navotas Hoax” ikinabahala ni Congressional candidate Lutgardo Cruz
Naalarma si Navotas City Aksyon Demokratiko party Congressional candidate Lutgardo “Tatay Gardy” Cruz sa maruming taktika ng mga kalaban sa pulitika.
Ayon kay Cruz, target ng mga kalaban na magpalabas sa media ng isang pekeng survey ng isang kompanya na RP Mission Development Inc. na nagsasabing nangunguna ang kalaban na mayroong 92 percent samantalang anim na porysneto lamang aniya ang kanyang nakuha sa preferential vote sa fishing capital ng bansa.
Balak din aniya ng kalaban sa pulitika na gumawa ng isang scenario kung saan ico-cover ng media ang gagawing raid sa isang bahay kung saan madidiskubre umano ang nga Comelec ink at market ballots na naroon ang kanyang pangalan.
Ibinunyag pa ni Cruz na magsasagawa rin ng vote buying ang kanyang mga kalaban at mamimigay ng mga sample ballot na nakasulat ang kanyang pangalan.
Ipakakalat umano ito sa social media at gagawing frame up sa kanya.
Palalabasin din aniya sa mass media ng mga kalaban na diskwalipikado na siya sa eleksyon.
Kaya panawagan ni Cruz sa mga botante sa Navotas, maging mapagmatyag at huwag maniwala sa ikinakasang “Great Navotas Hoax.”
Bahagi rin aniya ng plano ng mga kalaban na maglabas ng pekeng survey ng RPMDI na pinamumunuan ng isang Dr. Paul Martinez.
Dahil dito, pinag-aaralan na ni Cruz na idemenda ang RPMDI.
Si Cruz ay nagsilbi ng tatlong termino bilang konsehal at naging vice mayor ng Navotas mula 2001 hanggang 2004.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.