Cusi wing, kinilala ng Comelec bilang lehitimong grupo ng PDP-Laban

 

Kinikilala ng Commission on Elections ang paksyon nina Pangulong Rodrigo Duterte at Energy Secretary Alfonso Cusi bilang totoo at mmga opisyal na miyembro ng ruling party na PDP-Laban.

Ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, ito ay matapos ang deliberasyon ng poll body ngayong araw.

Una rito, dumulog sa Comelec ang grupo nina Cusi para ipadeklarang illegitimate ang paksyon nina Senators Koko Imentel at Manny Pacquiao.

Si Pangulong Duterte ang tumatayong chairman ng partido habang si Cusi naman ang tumatayong presidente.

 

Read more...