95 na tauhan ng DAR nakapasa sa bar exam

By Chona Yu May 06, 2022 - 11:01 AM

(DAR photo)

Binigyang pagkilala ni Agrarian Reform Secretary Bernie Cruz ang 95 empleyado ng ahensya na nakapasa sa 2021 Bar examinations.

Ipinaabot ni Cruz ang kanyang pagbati at pasasalamat sa mga bagong abogado. Ang ilan ay permanenteng empleyado, at ang iba ay nasa ilalim ng contract of service.

“Congratulations sa lahat ng nakapasa sa Bar examinations. Kung mas marami tayong abogado, mas makabubuti ito para sa ating mga stakeholders,” pahayag ni Cruz.

Pinaalalahanan niya ang mga bagong abogado na hindi lamang naniniwala ang DAR sa kanilang potensyal kundi maging sa kanilang kaalaman, kasanayan, at tamang ugali bilang mga lingkod-bayan.

“Tandaan na bawat isa sa inyo ay may tungkuling dapat gampanan, trabahong dapat gawin. Inaasahan ko na ang tagumpay na ito sa inyong mga karera, ay patuloy nonyong ibibigay ang inyong makakaya sa pagtulong sa ating mga magsasaka na maiangat ang kanilang pamumuhay. Magsimula at manguna kayo sa mga magagandang ideya na magpapabuti sa ating pagsisilbi sa bayan,” ani Cruz.

Sa 95 na pumasa sa bar, 9 ang nagtatrabaho sa DAR Central Office sa Quezon City; tig-isa sa Rehiyon IX at Caraga; 2 sa Rehiyon II, XII at IV-A; 3 sa Rehiyon IV-B; 8 sa Rehiyon III; 17Wha sa Rehiyon V; 9 sa Rehiyon VI; 7 sa Rehiyon VII; 6 sa Rehiyon VIII; 9 sa Rehiyon X; 16 sa Rehiyon XI; at 3 sa Cordillera Autonomous Region (CAR).

 

TAGS: 95 employees, bar exam, DAR Secretary Bernie Cruz, news, Radyo Inquirer, 95 employees, bar exam, DAR Secretary Bernie Cruz, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.