P40.2 Billion ini-remit ng mga GOCCs sa National Treasury

By Den Macaranas May 23, 2016 - 02:45 PM

Aquino Malacanang
Inquirer file photo

Personal na tinanggap ni Pangulong Noynoy Aquino ang mahigit sa P40 Billion na remittancs mula iba’t ibang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Sa isang simpleng seremonya sa Rizal Hall ng Malacañang Palace, sinabi ni Aquino na mas malaki ang nasabing halaga kumpara sa mga nai-remit na kita ng mga GOCC at mga Government Financial Institutions (GFIs) noong isang taon na nagkakahalaga ng P36.36 Billion.

Pinaka-malaking bahagi ng kita ang nagmula sa Land Bank of the Philippines na mayroong P6.6 Billion na halaga ng mga dibidendo at kitang aabot sa P6.8 Billion.

Sinundan ito ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na mayroong kabuuang share na P8.8 Billion.

Ang lahat ng mga GOCCs at GFIs ay may mandato na magbigay ng 50-percent ng kanilang deklaradong kita at dibidendo sa national treasury alinsunod sa Republic Act 7657 o Revised Dividend Law.

TAGS: Aquino, dividend, gfi landbank, GOCC, pagcor, Aquino, dividend, gfi landbank, GOCC, pagcor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.