NTC inatasan ang telcos, IPs na suspendihin ang network repairs bago ang eleksyon

By Chona Yu May 06, 2022 - 08:20 AM
Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa telcos at internet service providers (ISPs) na itigil ang kanilang network repairs hanggang sa susunod na linggo upang matiyak ang dire-diretsong serbisyo para sa darating na May 9 elections. Epektibo ang suspensyon sa maintenance work simula May 4 hanggang 14. Ayon sa NTC, sa pamamagitan nito ay masisiguro ang  tuloy-tuloy na telecommunication services at walang patid na digital connectivity ng election related communications sa naturang panahon. Pinapayagan naman ang emergency repairs basta’t naipabatid sa NTC at naibigay ang mga detalye na kailangang gawin. Obligado rin ang maintenance personnel, kabilang ang subcontractors, na gumamit ng proper company ID, uniform at company marked vehicles sa lahat ng oras. Nabigyan na rin ng kopya ng notices  ang  Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police  upang mapigilan ang mga tiwaling indibidwal na magdulot ng anumang interruption sa telecommunication services. Hiniling din ng NTC sa Department of Public Works and Highways na suspindihin ang mga paghuhukay simula May 4 hanggang 14 na maaring magdulot ng fiber cuts. Ito’y makaraang makatanggap ang NTC ng sulat mula sa Globe Telecom hinggil sa posibleng fiber cuts na maaring idulot ng paghuhukay sa mga kalsada

TAGS: news, NTC, Radyo Inquirer, repair, Telcos, news, NTC, Radyo Inquirer, repair, Telcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.