Nangunguna si Atty. Alex Lopez sa isinigawang pre-election online survey ng Kabataang Bayanihan na tinawag na “Juan Manila Rising: The Manila Mayoral Candidate” nitong nakaraang May 3, 2022.
Nakakuha si Atty. Alex ng 52 porsyento o 2,670 na boto mula sa kabuang 5,163 na lumahok sa naturang survey. Pumapangalawa lang si Vice Mayor Honey Lacuna na nakakuha ng 35.5 porsyento, sinundan ni Amado Bagatsing na may 5.6 porsyento.
Sinundan nitong araw ng Huwebes (Mayo 5) ng isang Mayoral Forum kung saan nakapanayam si Atty. Alex Lopez ng student leaders mula sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila. Ang mga katanungan, hinggil sa mga isyung nakapalibot sa mga kabataan at mag-aaral, kagaya ng traffic, youth programs, red-tagging, at iba pa.
Sa panayam, tinanong kung bakit pinili ni Atty. Alex Lopez ang house-to-house campaign kaysa ibang paraan ng pangangampanya. Mahalaga kay Atty. Alex na mahawakan ang mga tao upang mapadama niya ang kanyang puso at maipakita ang kanyang katapatan sa taumbayan.
Inimungkahi rin ni Atty. Lopez ang kahalagahan ng pagsasaayos ng ating pampublikong sasakyan. Sinabi nito na maganda ang isang pampublikong sasakyan kung ang mga mayayamang pipiliing sumakay dito.
Binigyan diin ni Lopez na hindi sapat ang pagbibigay ng training at kaalaman upang umasenso ang buhay ng isang tao.
Kinakailangan ding mabigyan ito ng mga sangkap o kagamitan upang magamit at magkaraoon ng silbi ang kaalaman at mga natutunang aral.
Sinang-ayunan ni Atty. Alex ang aktibismo kung saan binigyang diin nito na isa itong magandang senyales ng isang masigla at buhay na demokrasya. Tutol din si Lopez sa red-tagging dahil isang uri ito ng pangha-harass. Pinapaboran niya ang karapatan ng mga mamamayan na mag-isip at magpahiwatig ng kanilang mga hinaing.
Ang patuloy na pag-angat ni Atty. Alex, dala na rin ng kanyang pagiging matapang at may puso para sa iba’t ibang sektor.
Si Atty. Alex lang ang may komprehensibong plataporma para senior citizens, kabataan, kababaihan, LGBTQIA+, manininda, trycicle driver at operator, mga kapatid na Muslim, at sa urban poor.
Tunay na makataong pagbabago ang hinahangad ni Atty. Alex Lopez para sa Lungsod ng Maynila at mamamayan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.