Pagkasawi ng limang katao sa concert sa Pasay, pinaiimbestigahan sa kamara

By Isa Avendaño-Umali May 23, 2016 - 12:15 PM

close upIsang resolusyon ang inihain ng Kabataan Party List para paimbestigahan sa House Committees on Dangerous Drugs at Youth and Sports ang pagkamatay ng limang indibidwal sa Close Up Forever Summer Concert na ginanap noong Sabado.

Sinabi ni outgoing Kabataan Party List Rep. Terry Ridon na sa House Resolution 2704, nakasaad ang labis na pagkabahala niya sa ulat na may inuming ipinamahagi sa concert na tinatawag na ‘green amore’ na kumbinasyon daw ng ecstasy at shabu.

Binigyang-diin ni Ridon na dapat magpaliwanag ang mga otoridad sa trahedya, lalo kung totoong may mga droga sa rave party at kung paano nakalusot ang mga ito.

Dagdag ng mambabatas na kailangang magkaroon ng malinaw na batas laban sa paglipana ng mga droga sa rave parties, concerts at kahalintulad na events.

Inihalimbawa niya ang batas sa Amerika na Illicit Drug Anti-Proliferation Act, na U.S. Congress noong 2003.

Sa ilalim nito, may pananagutan ang concert organizations kapag napatunayang nagkalat o naglipana ang mga droga sa kanilang event./ Isa Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.